MANILA, Philippines - Sa mahigpit na pagpili ng gabinete para sa administrasyon ni Pres. Elect Noynoy Aquino, muling binigyan ng pagkakataon makaupo sa bagong administrasyon si Department of Environment and Natural Resources Sec. Horacio Ramos.
Ito ang ipinahayag ni Ramos kahapon matapos na i-extend ang kanyang panunungkulan bilang kalihim ng DENR sa loob ng isang taon.
Ayon kay Ramos, bilang appointee ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo inaasahan niya na kabilang siya sa aalisin sa pagpasok ng bagong administrasyon ngunit nagkamali siya matapos na panatilihin siya para mamuno sa nasabing kagawaran.
Kaya naman nagpapasalamat si Ramos kay president-elect Noynoy at nangakong tapat na manunungkulan sa kanyang gobyerno.