GMA nakiisa sa b-day party ni Chavit

MANILA, Philippines - Nakiisa kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ika-69 na kaarawan ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson na ginanap sa Vigan City, Ilocos Sur.

Nagtungo muna si Pangulong Arroyo sa Sison, Pangasi­nan para inagurahan ang Bueg bridge.

Bi­nati ng Pangulo si Governor-elect Singson at nagsilbi na din itong pamamaalam ng chief executive sa kanyang kaalyado na naging whistleblower ng jueteng gate scandal ni dating Pangulong Erap Estrada na naging daan upang maupo si Mrs. Arroyo na noon ay bise-presidente bilang Pangulo noong 2001.

Nagpaalam na din si Mrs. Arroyo sa Malacañang Press Corps sa pamamagitan ng isang “dinner” na ginanap kagabi sa Mimosa Golf and Country Club.

Sa darating na Hun­yo 29 ay isasagawa ang huling Cabinet meeting nito kung saan ay inaasahang dadalo din ang mga dating miyembro ng gabinete ng Arroyo government maliban sa miyembro ng Hyatt 10.

Show comments