^

Bansa

Murder case vs ex-Abra mayor ibinasura ng DOJ

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong murder laban kay dating Bangued, Abra Mayor Dominic Valera na inaku­sahang pumatay sa taga­suporta ng kaniyang karibal sa pulitika noong Abril dahil sa kakulangan ng sapat na batayan.

Sa resolusyon na may petsang Hunyo 15, 2010, na nilagdaan nina State Prosecutors Roberto Lao, Aileen Marie Gutierrez at State Pros. Grace V. Cruz, ang naiprisinta ng Philippine National Police (PNP) na testimonial evidence ay hindi magkatugma sa pisikal na ebidensiya.

Iniutos na rin ng DOJ sa PNP na palayain si Va­lera at kapwa akusado nitong si PO2 Joseph Barreras.

Nilinaw ng abugado ni Valera na si Atty. Raymond Fortun na ang naganap na shooting incident ay bunga din ng tangkang pagpatay sa kaniyang kliyente (Valera).

Iginiit ni Fortun na ang mga unang pagputok ay nagmula sa likuran at natamaan pa umano ang mga sasakyang convoy ng kampo ni Valera habang nasa campaign sortie ito sa Barangay Cosili West.

Nang atakihin umano si Valera na nasa loob ng sasakyan niya ay lumabas ito at tumakbo sa kalapit na kabahayan, kung saan ito nadatnan ng rumespon­deng mga pulis.

Una nang nag-nega­tibo si Valera sa gunpowder burns o nitrate residue maging ang escort na si PO2 Barreras nang isang­kot sa pagkamatay ni Mario Acena, ang tagasu­porta ng karibal sa pagka-alkalde na si Ryan Luna.

ABRA MAYOR DOMINIC VALERA

AILEEN MARIE GUTIERREZ

BARANGAY COSILI WEST

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE V

JOSEPH BARRERAS

MARIO ACENA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAYMOND FORTUN

VALERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with