Hangin sa Metro Manila nag-improve na
MANILA, Philippines - Nag-improve na ang quality ng hangin sa Metro Manila subalit kung pagbabatayan umano ang standard ay bagsak pa rin ito.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Demetrio Ignacio ng Policy and Planning, kumpara sa nakalipas na 4 na taon ay maituturing na nag-improve ang kalidad ng hangin sa Metro Manila subalit kung pagbabatayan ang standard ay hindi pa rin ito pasado.
Aniya, ang numero unong contributor ng polusyon sa Metro Manila ay ang mga usok mula sa mga sasakyan.
Sinabi din ni Ignacio na 80 percent ng mga ilog at lakes sa bansa ay luminis pero nanatiling 80 percent pa rin ng mga ilog sa urban areas tulad ng Pasig river, San Juan river, Marilao at Bocaue river ay nananatiling polluted.
Umaasa naman ang DENR na kapag natapos na ang dredging sa Pasig river sa Oktubre ay lalong lilinis ang ilog kung saan ay inaasahang mas maraming tubig ang makakayanan ng ilog.
- Latest
- Trending