^

Bansa

MR ni Kwok binasura ng DOJ

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni DDB chairman at PASG head Secretary Antonio Villar Jr. na ‘vindicated’ ang PASG sa naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na pinal na nagbabasura sa apela ng kampo ni suspected diamond smuggling queen Alpha Kwok.

Sinabi ni Sec. Villar, nagpapatunay lamang na tama ang PASG matapos tuluyang ibasura ng DOJ ang apela ng kampo ni Alpha Kwok.

“The decision was a sort of vindication for the agency in its untiring efforts to combat the problem on smuggling besetting the country,” paliwanag pa ni Villar.

Nitong June 11 ay tulu­yang ibinasura ng DOJ ang motion for reconsideration ng kampo ni Kwok para sa automatic review ng kasong isinampa ng PASG laban sa suspected diamond smuggling queen.

Kinasuhan si Kwok ng smuggling matapos makumpiskahan ito noong Agosto 2009 ng P250 milyong halaga ng mga smuggled na diamonds sa kanyang condominium unit sa Pasig City.

Ikinatuwa din ni PASG director Jeffrey Patawaran ang naging desisyon ng DOJ kaugnay sa kasong isinampa nila laban kay Kwok.

AGOSTO

ALPHA KWOK

DEPARTMENT OF JUSTICE

IGINIIT

IKINATUWA

JEFFREY PATAWARAN

KINASUHAN

KWOK

NITONG JUNE

PASIG CITY

SECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with