Exam sa pro at non-pro drivers license, hihigpitan ng LTO
MANILA, Philippines - Hihigpitan pa ng Land Transportation Office (LTO) ang driving at written exam sa mga taong nais makakuha ng non-professional at professional drivers license sa ahensiya.
Sinabi ni LTO Chief Alberto Suansing, ito lamang ang isang dahilan upang higit na madisiplina ang mga driver laluna ang mga nagmamaneho ng pampasaherong sasakyan.
Binigyang diin ni Suansing na walang disiplina sa pagmamaneho, di sinusunod ang batas trapiko at walang common sense ang mga driver na nasasangkot sa mga aksidente sa lansangan tulad na lamang ng driver ng J & D rent a car na nahulog sa bangin ang minamanehong bus noong linggo na ikinasawi ng 22 katao at kinasugat ng 19 na iba pa sa Cebu.
Ayon pa kay Suansing, ang mga tauhan mula sa Motor Vehicle Inspection Section ay buwanan niyang pina-iinspeksiyon ang mga sasakyan sa mga bus terminal upang matiyak na roadworty ang mga pampasaherong sasakyan.
Bukod dito, sinabi ni Suansing na palagiang may seminars na ibinibigay ang LTO sa mga motorista laluna sa mga driver ng pampasaherong sasakyan tulad ng pagpapaalala sa mga ito na kailangang 80 kilometer per hour lamang ang takbo ng sasakyan sa mga major highway tulad ng sa Commonwealth Avenue sa QC.
- Latest
- Trending