Roxas kinuha ni Aquino sa transition team

MANILA, Philippines - Kasama ang naging running mate ni President-elect Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na si Senator Mar Roxas sa kaniyang magiging transition team.

Trabaho ng transition team na siguraduhin na magi­ging maayos ang paglilipat ng gobyerno mula sa administrasyong Arroyo at maging ang arrangement ng inaugural program ni Aquino.

Kabilang din umano sa trabaho ng transition team ang pagtanggap ng mahahalagang records mula sa paalis na administrasyon.

Bukod pa kay Roxas, kabilang din sa transition team sina incoming Executive Secretary Pacquito Ochoa, da­ting Education Secretary Florencio “Butch” Abad, dating Finance Secretary Cesar Purisima, at ang anak ni Abad na si Julia Abad na tumatayong chief of staff ni Aquino.

Ipinadala na ni Aquino ang kaniyang sulat kaugnay sa magiging komposisyon ng kaniyang transition team.

Show comments