FG muling ooperahan

MANILA, Philippines - Muling sasailalim sa isang operasyon si First Gentleman Mike Arroyo sa Hunyo 19.

Sinabi ni FG Mike Arroyo sa chance interview sa kanyang book launching sa Malacañang na ooperahan siya sa kanyang spinal column subalit hindi na nagbigay ng anumang detalye ng problema sa kanyang likod.

Hiniling na lamang ng First Gentleman sa kanyang mga kaanak at kaibigan na ipagdasal na maging matagumpay ang kanyang nalalapit na operasyon na gagawin sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Show comments