^

Bansa

Opening ng klase naging maayos - DepEd

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pangkalahatang naging maayos ang pagpasok sa mga paaralan ng nasa 24 milyong mga mag-aaral sa elementarya at high school sa buong bansa sa kabila ng mga karaniwang problemang kinakaharap tulad ng kakapusan ng silid-aralan at mga guro.

“All systems go, naayos ang mga problema ... Ang kampanya namin ngayon, lahat na estudyante na school age should go to school,” ayon kay Education Secretary Mona Valisno.

Sa pagbisita ni Valisno sa mga paaralan partikular sa Payatas-B Elementary School sa Quezon City, kapansin-pansin ang pagsisiksikan ng mga mag-aaral kung saan sa isang klase ay may 120 estudyante ang nagsisiksikan sa isang shift.

Inamin ni Valisno na upang matupad ang “international standards” na 1:35 na silid-aralan kada mag-aaral, kinakailangan na magtayo pa ang pamahalaan ng 66,000 silid-aralan.

Ngunit ipinagmalaki ni Valisno na handa pa rin ang mga guro na magsakripisyo at magturo sa isang klase kahit napakarami ng mag-aaral.

Hiniling rin ng kalihim sa darating na administrasyon ni President-elect Noynoy Aquino na doblehin ang kasalukuyang P131 bilyong budget ng DepEd upang mapatupad ang mga ninanais na reporma sa sistema ng edukasyon. 

Kabilang rito ang pagnanais ni Aquino na madagdagan ng isa o dalawang taon ang ipapasok ng mga estudyante sa “basic education” sa elementarya o high school, pagtanggal sa tatlong shift na klase patungo sa isa lamang at pagdaragdag ng mga paaralan, guro at mga libro.

Kasalukuyang ang Pilipinas at ang bansang Mongolia na lamang ang nagpapatupad ng 10 taon sa “basic education” sa buong mundo. Sinasabing kapos ang taon ng pag-aaral ng mga estudyante upang tuluyang maihanda ang mga ito at maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan.

AQUINO

EDUCATION SECRETARY MONA VALISNO

HINILING

INAMIN

KABILANG

NOYNOY AQUINO

PAYATAS-B ELEMENTARY SCHOOL

QUEZON CITY

VALISNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with