^

Bansa

Comelec nagpapasaklolo sa poll expenditures

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Binabalak ng Commission on Elections (Comelec) na humingi ng tulong sa ilang go­ver­nment agencies upang beripikahin kung tama o hindi ang nakasaad sa mga isinumiteng statement of contributions and expenditures sa poll body ng mga kandidato sa May 10 national and local elections.

Ito’y kasunod nang una nang pag-amin ng Comelec na mahihirapan silang tukuyin kung tama ang mga isinumiteng report ng mga kandidato sa mga natanggap nitong kontribusyon at mga pinagkagastusan sa kanilang kampanya.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, government agencies lamang ang maaari nilang payagang tumulong sa beripikasyon sa expenditure reports upang maiwasang malantad ang mga kandidato sa mga malisyosong report.

Aniya, plano nilang hingian ng tulong ang Bureau of Internal Re­ve­nue (BIR) dahil sa ang­gulo ng buwis, gayundin ang Commission on Audit (COA) na maraming auditors.

Nabatid na maliban sa mga expenditure reports ng mga kandidato, plano rin ng Comelec na i-review ang mga ulat ng mga grupong Pera’t Pulitika at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Magugunita na iti­nakda ng Comelec noong Hunyo 9 ang deadline para sa pagsusumite ng mga kandidato ng statement of contributions and expenditures pero pinalawig ito hanggang Hunyo 24.

ANIYA

AYON

BINABALAK

BUREAU OF INTERNAL RE

COMELEC

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ

HUNYO

INVESTIGATIVE JOURNALISM

PHILIPPINE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with