^

Bansa

Para iwas baha, basura itapon ng tama-DPWH

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang taumbayan na iwasan na magtapon ng mga basura sa mga drainage upang  hindi masayang ang proyekto ng pamahalaan kaugnay sa “flood control”.

Ayon kay DPWH NCR  Director Engr. Edilberto Tayao, napaghandaan na nila ang pagdating ng “rainy season” sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga drainage at pagtaas ng mga kalsada partikular sa kahabaan ng España.

Nakatitiyak si Tayao na kung mga dalawang piye lamang ang itataas ng tubig kapag nagkaroon ng ma­lakas na ulan ay madadaanan na ang España subalit kung umabot sa 1.2 meter ang dumating na tubig-baha, malamang na bumaha din sa lugar.

Napaka importante umano na matuto ang mamamayan na iayos ang pagtatapon ng basura dahil ito ang pinakamalaking problema kaya nagbabaha sa kalsada.

Aniya, kusang namamatay ang mga pambomba na nasa pumping station sa Quiapo kung puno na ng basura ang  drainage dahil wala nang mahigop na tubig. Nakatakda na ring buksan ngayon sa motorista ang itinaas na kalsada sa España para sa mga papasok na estudyante.

Nabatid na sa mga nakalipas na panahon ay nag­silbing “catch basin” ng baha ang kalsada na nasa tapat ng University of Sto.Tomas, dahil iyong tubig sa Quezon City at iba pang kalye sa España. Nilinaw ni Tayao na hindi lamang kalsada ang kanilang itinaas kundi ginawa din nila ang mga drainage na siyang pinakaimportanteng aspeto ng proyekto.

Ang naturang proyekto sa rehabilitasyon ng España Boulevard ay ginastusan ng P36 milyon, kung saan nasa phase 1 pa lamang ang proyekto.

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR ENGR

EDILBERTO TAYAO

ESPA

QUEZON CITY

TAYAO

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with