^

Bansa

Comelec bubuo ng Independent team

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bubuo ang Commission on Elections (Comelec) ng isang independent team na siyang magre-repaso sa kauna-unahang nationwide automated elections na idinaos sa bansa noong May 10, 2010.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang naturang grupo ay bubuuin ng mga ‘international experts’ na siyang maga-assess ng patas sa ginanap na halalan.

Ipinaliwanag ni Jimenez, iba ito sa post-election evaluation na ginagawa ng Comelec kung saan gumagawa sila ng “breakdown” ng mga nangyari noong halalan.

Kasama aniya sa magiging assessment ng independent panel ay may kaugnayan sa standards na ipi­natupad sa automated election, bilis at accuracy ng resulta ng eleksyon at reaksyon ng mga botante sa pro­seso ng botohan.

Ayon pa kay Jimenez, aalamin din ng nasabing panel ang mga naging problema sa eleksiyon, upang mabigyan ito ng akmang solusyon.

Nabatid na ang magiging report ng panel ay ipapadala ng Comelec kina outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo at President -elect Benigno Simeon Noynoy Aquino III.

Ang plano ng poll body ay kasunod nang panawagan ng polwatchdog na Automated Election System Watch (AESW) sa Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) na bumuo ng isang independent body na mag-a-assess sa ginanap na automated elections.

AUTOMATED ELECTION SYSTEM WATCH

AYON

BENIGNO SIMEON NOYNOY AQUINO

BUBUO

COMELEC

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ

IPINALIWANAG

JIMENEZ

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with