Life sa 5 miyembro ng KFR
MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang hatol na guilty ng mababang hukuman sa lima kataong akusado sa kidnap for ransom sa isang negosyante sa Bulacan noong 2002.
Gayunman, binago ng CA’s Special 5th Division ang hatol na kamatayan dahil habambuhay o reclusion perpetua na lamang ang pinakamabigat na parusang ipinatutupad ng batas, gayundin ang pantay sa parusang dapat nilang makamtan dahil ang ginawang krimen ay malinaw na may ‘conspiracy’.
Sa record, nagpasiya si Judge Crisanto Concepcion ng Malolos, Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 12 na guilty bilang principal accused ang mga nahatulang sina Rolando Estrella, Jay Gregorio at Ricardo Salazar dahil sa pagdukot at pagpapatubos sa kidnap victim na si Jimmy Ting, 22 anyos, na dinukot noong Oktubre 8, 2002, 7:00 ng gabi, sa Meycauayan, Bulacan habang nagmamaneho ng Honda-CRV mula sa tanggapan nito sa Styrotech Corporation.
Subalit iginiit sa desisyon ng CA na hindi maaring gawing accomplices lamang ang dalawang akusado na sina Danilo Bergonia at Efren Gascon kahit umakto lamang silang bantay.
“In the case at bar, conspiracy may be deduced from the appellants acts that show concerted action and community of interest…..Consequently, the conspirators shall be held equally liable for the crime, because in a conspiracy the act of one is the act of all,” anang pasya ng CA.
Naibasura naman ang kasong illegal possession of firearms and ammunition laban kina Estrella, Gregorio at Salazar.
Pinagbabayad ng CA ang mga convicted ng P100,000 moral damages sa biktma.
Naharang sa checkpoint sa Badoc, Ilocos Norte ang Mitsubishi Lancer GLXI na ginamit ng mga suspect kaya nailigtas ng mga awtoridad ang biktima.
- Latest
- Trending