^

Bansa

Kahit inabswelto si Willie, Kaso ng Ultra stampede hindi pa sarado - DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Department of Justice (DoJ) na hindi pa tuluyang sarado ang kaso ng Ultra stampede kahit na inabswelto na ang main host ng “Wowowee” show na si Willie Revillame. 

Ayon kay Chief State Prosecutor Claro Arellano, wala pang pinal na pasya ang korte sa usapin kaya mananatiling nakatutok sila sa lahat ng usapin ukol dito. 

Matatandaang 70 ka­tao ang namatay at ikinasugat ng 400 ang dapat sana ay pagsasaya ng libu-libong manonood ng “Wowowee” sa Philsports Stadium o mas kilala bilang Ultra noong Pebrero 2006.

Ayon kay Arellano, tanging si Revillame ang nakasaad sa petisyon ng mga complainant kaya siya lang ang naging ‘focal point’ ng inilabas na resolusyon ni DoJ Sec. Alberto Agra. 

Siniguro naman ni Arellano na hindi nila pababa­yaan ang mga pamilya ng mga biktima hanggang sa makamit ng mga ito ang ganap na katarungan sa nabanggit na pangyayari. 

Nauna nang ipinag-utos ni Justice Acting Secretary Alberto Agra si Arellano na alisin ang pangalan ni Revillame bilang respondent sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple serious physical injuries. 

Sinabi ni Agra na wa­lang dahilan para baguhin pa ang naunang desisyon ni dating Justice Secretary Raul Gonzalez.

Sa resolution ni Gonzalez ay ipinaliwanag nito na ang pag-imbita ni Revillame sa anniversary special ng show nito ay upang mag-promote lamang ng programa at hindi naman nito inakala na magkakaroon ng stampede.

ALBERTO AGRA

ARELLANO

AYON

CHIEF STATE PROSECUTOR CLARO ARELLANO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE ACTING SECRETARY ALBERTO AGRA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PHILSPORTS STADIUM

REVILLAME

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with