Tubig sa Laguna Lake ipangsu-supply sa MM

MANILA, Philippines - Bunga ng patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam, inaasahan na sa mga darating na araw ay manggagaling na sa lawa ng Laguna ang tubig na isusuplay ng May­nilad waters para sa mga residente ng Metro Manila.

Ito ay makaraang bisitahin ng   Metropolitan Waterworks and Se­werage System Board of Trustees (MWSS BOT) ang Pu­tatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa ng Maynilad Waters upang matiyak na may malaki itong maitu­tulong para pag­ku­nan ng tubig ng Ka­lak­hang Maynila parti­kular sa westzone area.

Ang Putatan plant ng Maynilad ang unang water treatment facility na mag-uugnay sa Laguna Lake bilang isang alternatibong mapapag­kunan ng tubig ng Metro Manila bukod sa Angat Dam.

Sa ngayon, Angat Dam pa lamang ang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. Dahil bago pa la­mang, ang natu­rang treatment plant sa Muntinlupa ay una ng nagsuplay ng tubig sa may 4,600 kabahayan sa Muntinlupa.

Show comments