Tubig sa Laguna Lake ipangsu-supply sa MM
MANILA, Philippines - Bunga ng patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam, inaasahan na sa mga darating na araw ay manggagaling na sa lawa ng Laguna ang tubig na isusuplay ng Maynilad waters para sa mga residente ng Metro Manila.
Ito ay makaraang bisitahin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Board of Trustees (MWSS BOT) ang Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa ng Maynilad Waters upang matiyak na may malaki itong maitutulong para pagkunan ng tubig ng Kalakhang Maynila partikular sa westzone area.
Ang Putatan plant ng Maynilad ang unang water treatment facility na mag-uugnay sa Laguna Lake bilang isang alternatibong mapapagkunan ng tubig ng Metro Manila bukod sa Angat Dam.
Sa ngayon, Angat Dam pa lamang ang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. Dahil bago pa lamang, ang naturang treatment plant sa Muntinlupa ay una ng nagsuplay ng tubig sa may 4,600 kabahayan sa Muntinlupa.
- Latest
- Trending