^

Bansa

Taal volcano, niyanig ng volcanic quakes

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Muli na namang nakapagtala ng magkakasunod na paglindol ang paligid ng Taal volcano sa Batangas nitong nakalipas na magdamag.

Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Insti­tute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naka­pagtala sila ng 18 volcanic quakes na hudyat ng patuloy na pag aalboroto ng bulkan.

Bunsod nito, nananatiling nakataas ang alert level 2 sa Taal volcano matapos kakitaan ang bulkan ng pamamaga ng bunganga nito na indikasyon ng posib­leng paglabas ng lava.

Patuloy namang sinusubaybayan ng Phivolcs ang lawa sa bukana ng bulkan upang matiyak na mayroon ditong nagaganap na chemical reaction na hudyat umano na posibleng magkaroon ng pagbaba ng lava sa ilalim ng lawa.

Nananatili namang pinagbabawal ng ahensiya ang pagpunta ng sinuman sa may bukana ng bulkan .

Nilinaw naman ni Solidum na wala pang paglilikas na gagawin ang Phivolcs sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkan dahil nasa alert level 2 pa lamang ang bulkan. Nasa alert level 3 at 4 bago palikasin ang mga residente sa mas ligtas na lugar.

AYON

BATANGAS

BULKAN

BUNSOD

DIRECTOR RENATO SOLIDUM

MULI

NANANATILI

PHILIPPINE INSTI

PHIVOLCS

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with