Pangamba sa pagsabog ng Taal volcano, pinawi ng Phivolcs
MANILA, Philippines - Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng mga residente ng lalawigan ng Batangas sa posibleng pasabog ng Taal volcano.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, hindi dapat mabahala ang mga residente sa lugar dahil hindi naman puputok ang naturang bulkan dahil nananatili itong nasa alert level-2.
Aniya, kapag nagbabanta ng pagsabog ang bulkan ito ay kanilang itinataas agad sa alert level 3 hanggang 4 upang makapaghanda ang mga residente sa kani-kanilang paglikas.
Gayunman, nakapagtala ang Phivolcs ng 16 na volcanic earthquakes sa Taal volcano sa nakalipas na 24 na oras, pagbuga ng usok malapit sa crater ng bulkan dulot ng pagtaas ng temperatura at pag-init ng tubig sa main crater lake sa may bulkan.
- Latest
- Trending