MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ang grupo ng mga neophyte congressmen na nagtutulak ng pagbabago sa Kamara at sumusuporta sa pagiging speaker ni QC Representative at outgoing QC Mayor Feliciano Belmonte Jr.
Kasama si newly elected Marikina Rep. Miro Quimbo, pinulong ni Castelo ang mga bagong mambabatas na magsusulong ng pagbabago sa Kamara at susuporta sa pagiging House Spekaer ni Rep. Belmonte.
Bukod kay Castelo at Quimbo ang grupo ay kinabibilangan din nina Jorge Banal ng QC, Dakila Cua ng Quirino, Eleanor Begtang ng Apayao, Hadjiman Hataman-Saliman ng Basilan, Arnel Ty ng LPGMA, Imelda Calixto Rubiano ng Pasay City, Sandy Ocampo ng Manila, Lucy Torres-Gomez ng Leyte, Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon, Edwin Olivares ng Parañaque, Antonio Rafael Del Rosario ng Davao Del Norte, Linabelle Villarica ng Bulacan, Arnel Cerafica ng Taguig-Pateros, Randolph Ting ng Cagayan, at Eric Owen Singson ng Ilocos Sur.
“Hinihikayat namin ang iba pang baguhang mambabatas na suportahan ang reform agenda,” ani Castelo.
Samantala, sinabi naman ng samahan na kanilang susuportahan ang lider ng Kongreso na susuporta sa plataporma ng pagbabago ni Aquno.