MANILA, Philippines - Siniguro ng Department of Education (DepEd) na lalo nilang paiigtingin ang “no smoking policy” sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa buong bansa.
Sa inilabas na DepEd Order 73 na inilabas ni Education Secretary Mona Valisno, idineklara ang lahat ng pampublikong paaralan na “no smoking areas”.
Bukod sa loob ng mga silid-aralan at opisina, ipinagbabawal rin ang paninigarilyo sa mga “school grounds”at ibang imprastruktura tulad ng “gardens”, kantina, laboratoryo at iba pa.
Inatasan rin ni Valisno ang mga “No Smoking signs” at “Your Are Entering a No-Smoking Area” sa paligid ng compound ng mga paaralan.
Kaugnay nito, itinatag ng DepEd ang “Oplan Balik Eskwela command center” sa DepEd Office upang tumanggap ng mga reklamo mula sa mga magulang ukol sa pagbubukas ng klase.