LPA posibleng maging bagyo - PAGASA
MANILA, Philippines - Posible pang maging isang ganap na bagyo ang isang low-pressure area (LPA) na nasa bansa na siyang nagdadala ng mga pag-ulan sa Luzon.
Gayunman, sinabi ni Gilbert Aquino, forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kahit maging bagyo ang LPA, hindi naman ito makakaapekto sa alinmang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Aquino na kapag naging ganap itong bagyo, ito ay papangalanang “Basyang.”
Kahapon ng umaga, ang LPA ay namataan sa layong 760 kilometro Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.
Bunsod nito ang silangang bahagi ng Nothern at Central Luzon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag uulan.
Ang ibang panig ng bansa kasama ang MM ay maulap ang kalangitan na may manaka nakang ulan sa hapon o gabi.
- Latest
- Trending