Bagong presidente, bise pres. ipoproklama sa Miyerkules
MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile na tuloy na tuloy ang proklamasyon para sa bagong pangulo at bise-presidente sa darating na Miyerkules.
Ayon kay Sen. Enrile, ngayong ala-1 ay muling magpupulong ang Kamara at Senado bilang National Board of Canvasser upang ituloy ang pagbibilang sa nalalabing 5 COC’s.
Sa huling canvassing noong Huwebes ay nangunguna pa rin si Sen. Noynoy Aquino sa panguluhan habang lamang si Makati Mayor Jejomar Binay kay Sen. Mar Roxas.
Naniniwala si Binay na kahit bilangin ang natitirang COC ay lalamang pa siya ng 700,000 kay Roxas.
- Latest
- Trending