Midnight appointees ni GMA pinagsusumite ng courtesy resignation
MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ng Malacañang ang mga midnight presidential appointees ni Pangulong Arroyo na magsumite ang mga ito ng courtesy resignation sa susunod na administrasyon upang ipakita na hindi sila kapit-tuko sa appointment.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas, bagama’t walang iregularidad sa ginawang mga appointments ni Pangulong Arroyo ay makakabuting magsumite ang mga latest appointee ng Pangulong Arroyo ng kanilang courtesy resignation sa susunod na gobyerno sa pag-upo ni presidential frontrunner Sen. Noynoy Aquino.
Wika pa ni Usec. Planas, walang nilabag na batas ang Pangulo sa ginawa nitong mga appointments kabilang ang kanyang manikurista at gardener. Hindi naman tinanggap ng manikurista ang appointment bilang miyembro ng board sa Pag-IBIG.
- Latest
- Trending