^

Bansa

Kriminal lalong tatapang sa total gun ban

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Lalong magiging ma­­­tapang ang mga kriminal sa bansa kung sakaling ituloy ng Philippine National Police (PNP) ang plano nitong pagpapatupad ng “total gun ban” sa buong bansa.

Ito ang mariing ipina­hayag ni Lanao del Sur Rep. Pangalian Balin­dong kasabay ng pag­papahayag ng kanyang suporta sa itinutulak na “total pro gun” na kung saan ay lahat ng kwa­lipikadong tao ay may karapatan na mag-ari at magbitbit ng baril.

Naniniwala din ang mambabatas na isa umanong paglabag sa mandato ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad ng total gun ban dahil ito’y ma­ngangahulugan na ipi­nagkakait nila ang ka­rapatan ng mga mama­mayan na maprotek­ta­ han ang kanilang sarili.

Una nang nagpaha­yag ang mga pro-gun advocates na bigo ang pinairal na gun ban ng PNP na sugpuin ang kri­men sa kabila ng paha­yag ng kapulisan na matagumpay ang gun ban.

Ayon kay Pery Punla, pangulo ng Gun Enthusiasts Confederation of the Philippines , kadalasan ang mga mamayang sumusunod sa batas ay nabibiktima ng iba’t ibang uri ng krimen.

Aniya ang mga ga­nitong krimen ay ma­iiwasan kung ang mga biktima ay nagmamay-ari ng baril na maaring gamitin upang protek­syunan ang kanilang sarili.

Maging si president-apparent Benigno “Noy­noy” Aquino ay hindi bilib sa planong pag­kakaroon ng total gun ban dahil siya mismo ay naniniwala na tanging ang mga lehitimong may ari ng baril ang susunod rito.

ANIYA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GUN

GUN ENTHUSIASTS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

PANGALIAN BALIN

PERY PUNLA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with