^

Bansa

Baril mabisang panlaban vs krimen

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pro-gun advocates na bigo ang pinairal na gun ban ng Philippine National Police (PNP) na sugpuin ang krimen kasabay ng pagsasabing isusulong ng mga ito ang kanilang  panukalang armasan ang lahat ng indibidwal sa bansa.

Ayon kay Pery Punla, pangulo ng Gun Enthusiasts Confederation of the Philippines, kadalasan ang mga mamamayang sumusunod sa batas ay nabibiktima ng iba’t ibang uri ng krimen mula sa carnapping, hold-ups, homicide at murders dahil sa kawalan ng mga ito ng baril na posibleng gamitin upang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Aniya, ang mga ganitong krimen ay maiiwasan kung ang mga biktima ay nagmamay-ari ng baril na maaring gamitin upang proteksyunan ang kanilang sarili.

Bagamat isusulong umano nila ang tamang pag-aarmas sa indibidwal ay nilinaw naman nito na tutol ang kanilang grupo sa paglipana ng illegal guns.

“These crimes would have otherwise been deterred or altogether prevented had the victims been armed. I adamantly say no to illegal guns. And the guns I keep are not intended for use in crime but rather only for self-defense or sport,” paliwanag ni Punla.

ANIYA

AYON

BAGAMAT

GUN ENTHUSIASTS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

INIHAYAG

KANILANG

PERY PUNLA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUNLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with