MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Malacanang na handa na ang Arlegui Guest House para maging temporary office ng transition team.
Sinabi ni PMS chief Elena Bautista-Horn sa media briefing, tapos nang isaayos ang Arlegui Guest House para maging opisina ng transition team at hindi para maging residence ni incoming President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Wika pa ni Sec. Bautista-Horn, kahit hindi ito ang piliin na temporary office ng transition team ay natural lamang na iayos din nila ang nasabing guest house bago isoli sa may-ari nito sa June 30 kung saan nagtapos ang kanilang kontrata. Inuupahan ng Malacañang ang guest house sa halagang P20,000 kada buwan.
Wika naman ni Atty. Edwin Lacierda, spokesman ni Sen. Aquino, wala pa silang pinal na desisyon kung ang Arlegui Guest House ang magiging opisina ng transition team.