^

Bansa

Renovation ng Arlegui house tapos na

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Malacanang na handa na ang Arlegui Guest House para maging temporary office ng transition team.

Sinabi ni PMS chief Elena Bautista-Horn sa media briefing, tapos nang isaayos ang Arlegui Guest House para maging opisina ng transition team at hindi para maging residence ni incoming President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Wika pa ni Sec. Bautista-Horn, kahit hindi ito ang piliin na temporary office ng transition team ay natural lamang na iayos din nila ang nasabing guest house bago isoli sa may-ari nito sa June 30 kung saan nagtapos ang kanilang kontrata. Inuupahan ng Malacañang ang guest house sa hala­gang P20,000 kada buwan.

Wika naman ni Atty. Edwin Lacierda, spokesman ni Sen. Aquino, wala pa silang pinal na desisyon kung ang Arlegui Guest House ang magiging opisina ng transition team.

AQUINO

ARLEGUI GUEST HOUSE

BAUTISTA-HORN

EDWIN LACIERDA

ELENA BAUTISTA-HORN

INIHAYAG

INUUPAHAN

MALACA

PRESIDENT BENIGNO

WIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with