^

Bansa

2 solon nagsigawan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nagkasigawan ang dalawang kongresista sa plenaryo kahapon matapos magtalo hinggil sa authenticity ng ilang compact flash (CF) cards na ginamit sa voting machines sa nakaraang halalan.’

Sa pagpapatuloy ng joint canvassing ng Senado at Kamara, kinuwestiyon ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen na ilang sa mga CF cards ay na-compromised umano matapos ma-reconfigure ng ilang empleyado ng Comelec base sa utos ni Eexecutive Director Jose Tolentino.

Pero agad siyang kinontra ni Paranaque City Rep. Roilo Golez dahil hindi umano mga empleyado ng Comelec ang nag-reconfigure ng CF cards kundi mga personnel ng Department of Science and Technology (DOST).

Dito napikon si Dilangalen at sinigaw si Golez sa pagsabing karapatan umano niyang magtanong at malaman kung ano ang totoo sa naturang isyu. “I have the right to know, ma­hirap iyong may sipsip dito,” pasigaw na pahayag nito kay Golez.

Upang mapigil ang pag­lala ng tensiyon, sinuspinde agad ni House Speaker Prospero Nograles Jr. at Senate President Juan Ponce Enrile ang proceedings subalit patuloy ang baliktatakan ng dalawa hanggang sa magbati at magkamay na ang mga ito.  

COMELEC

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

DIDAGEN DILANGALEN

EEXECUTIVE DIRECTOR JOSE TOLENTINO

GOLEZ

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES JR.

MAGUINDANAO REP

PARANAQUE CITY REP

ROILO GOLEZ

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with