^

Bansa

18 pulis-Cavite kinasuhan ng murder

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Patong-patong na kasong kriminal ang isinampa ng pamilya ng retiradong pulis colonel at ni dating Cavite Rep. Plaridel “Del” Abaya sa Department of Justice (DOJ) laban sa 17 pulis at provincial director ng Cavite kaugnay sa naganap na shootout sa Cavite noong araw ng halalan.

Kabilang sa mga kasong isinampa ng pamilya ng mga biktimang sina retired Police Col. Arnulfo Obillos at P02 Juanito Paraiso sa 17 pulis Cavite at Provincial director Sr. Supt. Primitivo Tabujara Jr ay double murder, frustrated murder, slight physical injuries, robbery, arbitrary detention at incriminatory machinations.

Ayon kay Atty. Reynaldo Robles, abogado ng mga biktima, ginamit nilang batayan sa pagsasampa ng kaso ang mga naging resulta ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Internal Affairs Service (IAS) ng Cavite-PNP kung saan lumilitaw na hindi nagkaroon ng shootout dahil malapitang binaril sa ulo at mukha ang mga biktima taliwas sa pahayag ng mga respondent.

Pinabulaanan din umano ng nasabing mga pagsusuri ang alibi ng mga pulis na ang kampo nina Obilllos ang naunang magpaputok ng baril kayat napilitan silang gumanti dahil lumalabas na negatibo sa gun powder burn ang mga biktima. 

Si Obillos at Paraiso ay close-in bodyguard ni Abaya.

Sa salaysay ng isa sa mga complainant na si dating Rep. Abaya, noong May 10 ay napadaan sila ng mga biktima sa harap ng Bacoor municipal police headquarters dahil nasa kahabaan iyon ng Aguinaldo Hi-way patungo sa Molino IV kung saan sila boboto.

Gayunman huminto uma­no sila ng mapansin na may nakaumang na M60 machine gun sa kanila. Dito na umano bumaba si Obillos at Paraiso upang sitahin ang mga ito.

Subalit kaagad umano silang pinaligiran ng mga pulis na may mahahabang klase ng baril at doon na rin nagkabarilan na naging dahilan ng pagkamatay nina Obillos at Paraiso habang sugatan naman ang anak ni Obillos na si Neil.

Nilinaw ni Robles na kinasuhan din si Tabujara dahil sa umano’y partisipasyon nito sa pag-coverup sa mga ebidensya at sa crime scene gayundin ang illegal na pagpiit sa mga inosenteng tao at pagmaltrato sa mga ito habang nakapiit.

vuukle comment

ABAYA

AGUINALDO HI

ARNULFO OBILLOS

CAVITE

CAVITE REP

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

OBILLOS

PARAISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with