Sex education tuloy - DepEd

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkontra ng Simbahang Katoliko, itutuloy pa rin ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng “sex education” sa ilang piling paaralan sa elementarya at high school.

Sinabi ni Education Secretary Mona Valisno na “try out basis” pa lamang ang kanilang isasagawang pagtuturo at hindi ipatutupad sa lahat ng paaralan sa elementarya at high school sa buong bansa.

Sa katunayan, napa­ka­liit na porsyento na .1% ng mga paaralan sa high school o katumbas na 79 sa 6,000 paaralan lamang ito ipatutupad.

Magiging kalat-kalat naman sa pamamagitan ng “random selection” ang pagpili sa mga paaralang gagawing “pilot schools” buhat sa Luzon, Visayas, Mindanao at Metro Manila.

Sa pamamagitan umano ng mga module o mga learning materials na isasama sa araling Science at Values Education, kanilang matataya ang dating nito sa mga mag-aaral. Dito nila pagpapasyahan kung itutuloy o ititigil nila ang pagtuturo ng sex education kung mapapatunayan na makakatulong ito sa paghubog ng isang batang mag-aaral.

Show comments