Street foods hihigpitan sa mga eskwelahan

MANILA, Philippines - Maghihigpit ang Caloocan City Division Office ng Department of Education (DepEd) sa mga estudiyante sa pagbili ng mga street foods sa labas ng kanilang mga pinapa­sukang paaralan sa nalala­pit na pasukan.

Ang direktiba na ito ay base na rin sa mga nata­tang­gap na reklamo ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri mula sa mga magulang ng estudiyante na umano’y nagkakaroon ng sakit sa pagkain ng mga nabibiling street foods sa labas ng mga paaralan.

Ayon kay Echiverri, dapat lamang na alagaan ang kalusugan ng mga estudiyanteng magbabalik eskuwela upang hindi ma­pi­gilan ng kanilang pagka­ka­sakit ang kanilang kagus­tuhang makapasok araw-araw sa kanilang mga klase.

Nagbigay na rin ng di­rek­tiba si Division Superintendent Dra. Corazon Gonzales sa lahat ng punong guro ng Caloocan na pagba­walan ang mga mag-aaral na bumili ng mga street foods.

Show comments