Street foods hihigpitan sa mga eskwelahan
MANILA, Philippines - Maghihigpit ang Caloocan City Division Office ng Department of Education (DepEd) sa mga estudiyante sa pagbili ng mga street foods sa labas ng kanilang mga pinapasukang paaralan sa nalalapit na pasukan.
Ang direktiba na ito ay base na rin sa mga natatanggap na reklamo ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri mula sa mga magulang ng estudiyante na umano’y nagkakaroon ng sakit sa pagkain ng mga nabibiling street foods sa labas ng mga paaralan.
Ayon kay Echiverri, dapat lamang na alagaan ang kalusugan ng mga estudiyanteng magbabalik eskuwela upang hindi mapigilan ng kanilang pagkakasakit ang kanilang kagustuhang makapasok araw-araw sa kanilang mga klase.
Nagbigay na rin ng direktiba si Division Superintendent Dra. Corazon Gonzales sa lahat ng punong guro ng Caloocan na pagbawalan ang mga mag-aaral na bumili ng mga street foods.
- Latest
- Trending