^

Bansa

Summer season tapos na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matatapos na rin ang pagdurusa ng mga taga-Metro Manila at ibang lugar sa epekto ng summer season o matinding init ng panahon.

Sinabi ni Leny Ruiz, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nararanasan nating pag-uulan sa kasalukuyan ay hindi pa sen­yales na tag-ulan na kundi senyales na matatapos na ang summer season at sinamahan pa ng epekto ng isang low pressure area sa Batanes kayat maulan.

“Sa umaga kase nagpo-form ang clouds kaya sa bandang hapon umuulan o gabi dahil ang nabuo niyang clouds sa umaga ay babagsak sa hapon o gabi,” pahayag ni Ruiz.

Isolated anya ang ulan na nararanasan sa Metro Manila at ibang lugar na ang ibig sabihin ay hindi lahat ng lugar sa buong bansa ay makakaranas ng pag-uulan kundi yaon lamang mga lugar na may katapat na makapal na ulap.

Niliwanag din ni Ruiz na wala pang amihan sa bansa dahil ito ay nararamdaman lamang sa buwan ng Oktubre hanggang Pebrero ng bawat taon.

Sinabi ni Ruiz na base naman sa pag-aaral ng PagAsa, malamang na pumasok ang tag-ulan sa Hulyo at sa buwang ito ay malamang na pumasok ang La Niña o maulang panahon.

Ang tag-ulan anya ay mula Hul­yo hanggang Agosto.

AGOSTO

BATANES

HUL

HULYO

LA NI

LENY RUIZ

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

RUIZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with