^

Bansa

Our Lady of Guadalupe ng Makati bilang national shrine, aprub sa Santo Papa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang taong pag-aantay, inapru­bahan na rin ng Santo Papa ang hiling ng mga deboto ng Our Lady of Gua­dalupe dito sa Pili­pinas, kasama na ang mga pari at madre, na gawing national shrine ang sim­bahan nito na matatag­puan sa Orense st. Makati.

Alas singko mamayang hapon (May 31), sa pangu­nguna ni Manila Archbishop Gaudencio Rosales kasama ang ilang obispo at mga pari, uumpisahan ang dedikasyon ng simba­han ng Our Lady of Guada­lupe bilang isang ganap na national shrine sa pama­magitan ng isang misa.

Inaasahang marami deboto ng nasabing imahe mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang dadalo sa seremonya kung kaya’t  isasara pansamantala ang ilang bahagi ng Orense street sa naturang lungsod. 

Ang Our Lady of Gua­dalupe ay mas kilala sa tawag na Virgen de Gua­dalupe na nagmula sa Mexico City. Taong 1547 nang magpakita ang Mahal na Birhen kay San Juan Diego, isang native at magsasaka sa lugar.

Nais daw kasi ni Mama Mary na patayuan siya ng isang simbahan sa lugar na iyon na isang bulubun­duking distrito ng Mexico na kung tawagin ay Gua­dalupe.

Kaagad namang ipina­rating ni San Juan Diego ang mensahe sa obispo ng mga panahong iyon. Hindi naman kaagad naniwala ang obispo at humingi ng ebidensiya sa kanya na katunayang nagpakita nga ang Mahal na Ina sa kanya.

Kaya, noong Disyem­bre 12, 1547, alas dose ng tang­hali inutusan ng Mahal na Birhen si Juan Diego na ma­mitas ng mga rosas at ilagay sa kanyang “tilma” (uri ng damit ng mga kalala­kihan sa Mexico noon) at siyang ipakita sa obispo.

Laking gulat ng obispo nang buksan ni Juan Diego ang kanyang ”tilma” dahil ang imahe ng Virgen De Guadalupe ay nagbakat na sa  kanyang kasuotan. Hang­gang sa mga pana­hon ngayon ay na-preserve ang nasabing kasu­otan na may imahe ng Our Lady of Guadalupe at naka­lagay sa may altar ng naturang basilica.

Ang Virgen de Gua­dalupe ay patron ng mga sanggol na hindi pa isini­silang, mga may malub­hang karamdaman, ng mga matatanda, at ng mga may pangangailangan.

ANG OUR LADY OF GUA

ANG VIRGEN

BIRHEN

GUA

JUAN DIEGO

MAMA MARY

SAN JUAN DIEGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with