Direct connect ng Stradcom ilegal daw
MANILA, Philippines - Wala umanong legal na basehan ang direct connect facility ng Stradcom Corp. sa may 86 na Private Emission Testing Centers (Petcs).
Sinasabing ginagamit ng Stradcom ang kanilang pagiging IT Provider ng LTO para pumasok ng interconnectivity contract sa mga PETCs na malinaw na ito ang may conflict of interest dahil bukod sa pagsingil sa computer fee bilang IT provider ng LTO ay naniningil din ito ng bayad mula sa mga Petcs na nagpa-direct connect sa kanila.
Binigyang diin pa nito na ang alegasyon ng Stradcom na ang mga IT provider ay may conflict of interest ay walang basehan at ginagamit lamang ito ng Stradcom upang sirain ang reputasyon ng mga may-ari ng II Providers kayat dapat na magharap ng ebidensya ang Stradcom hinggil dito at patunayan ang kanilang mga sinasabi.
“Sa ilalim ng direct connect ng Stradcom, sila na ang IT Provider ng LTO na siyang tumatanggap ng data ng PETC at tinitignan kung valid ito, at sila rin ang IT Provider ng PETC na siya ring nagbabato ng data sa LTO. May bayad ang Stradcom sa pagiging IT provider ng LTO at the same time sumisingil din ito ng bayad sa mga PETC. Papaano niya ngayon huhulihin ang sarili nya?” pahayag ni Atty. Dan Barrameda ng IT- RDMS. Katunayan anya, ang direct connect ng Stradcom ay pawang nasa operational testing pa lamang pero ito’y nakakasingil na sa mga PETC na isang malaking anomalya.
Noong panahon ni dating LTO Chief Arturo Lomibao, pinayagan nito ang Stradcom na mag-direct connect sa mga Petcs na nagsuri ng usok ng mga sasakyan na irerehistro sa LTO kayat kahit nagsasagawa ng non-appearance ang isang tiwaling Petcs, maaaring mairehistro ang isang sasakyan na dadaan sa direct connect.
Noong 2003, umaabot sa 2.5 milyon ang mauusok na sasakyan dahil sa tiwaling petcs at lalung nagpalubha sa polusyon sa hangin sa bansa laluna sa Metro Manila.
- Latest
- Trending