^

Bansa

Tigilan na ang 'grandstanding'

- Nina Rudy Andal at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Sen. Joker Arroyo ang kanyang mga kapwa mambabatas na tigilan na ang ‘grandstanding’ bagkus ay gawin ang trabaho bilang miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC) upang bumilis ang pagbibilang ng boto para sa presidente at bise-presidente.

Sinabi ni Sen. Arroyo, ang mga mambabatas ay hindi imbestigador bagkus ang kanilang trabaho bilang NBOC ay bilangin ang boto ng presidente at bise-presidente.

Aniya, dapat ipaubaya na lamang sa House committee on electoral reforms and suffrage ang pag-iimbestiga sa sinasabing iregularidad sa nakaraang May 10 elections o kaya ay ipaubaya sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Wika pa ni Arroyo, alam na naman ng taumbayan kung sino ang nanalong presidente at ang kailangan lamang ay ang pormal na proklamasyon ng Kongreso at makapanumpa sa takdang araw ng June 30 ang nanalong presidente ng bansa. 

Naniniwala naman si Comelec Law Department head Atty. Ferdinand Rafanan na “wrong timing” ang mga ginagawang imbestigasyon ng Kamara sa pro­seso ng data transmission at electronic counting ng mga Precinct Count Optical Scan machines.

Ayon kay Rafanan, ang imbestigasyon sa Kamara ay nagmimistula nang fishing expedition at forum para maglabas ng sama ng loob ang mga natalong kandidato noong nagdaang halalan.

Bagama’t iginagalang nila ang tungkulin ng Kongreso para mag-imbestiga, hindi naman aniya ito napapanahon sa ngayon dahil maraming mga trabaho ang bawat departamento na kailangan sanang unahin.

Partikular pang tinukoy ng opisyal ang mga na­kabinbin na election protest sa Comelec mula sa mga natalong kandidato sa nagdaang halalan.

vuukle comment

ANIYA

COMELEC LAW DEPARTMENT

FERDINAND RAFANAN

JOKER ARROYO

KAMARA

KONGRESO

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with