Kontribusyon ng Puregold sa maliliit na negosyanteng Pinoy kinilala ni VP Noli
MANILA, Philippines - Pinapurihan ni Vice President Noli “Kabayan” de Castro ang malawak na kontribusyon ng Puregold sa maliliit na negosyante sa bansa lalo na sa may 150,000 aktibong miembro ng “Tindahan ni Aling Puring” sari-sari store program nito.
Sa kaniyang pagdalo sa pagbubukas ng ika-limang kumbensyon ng “Ang Tindahan ni Aling Puring” sa World Trade Center, sinabi ni de Castro na mas lalawak pa ang mga sari-sari stores sa bansa dahil sa tulong na ibinibigay ng Puregold sa may-ari ng maliliit na tindahan at sa mga nagnanais pang magkaroon kahit maliit na negosyo.
“Despite the proliferation of shopping malls and supermarkets, and convenience and community stores, we see the development of more sari-sari stores in the country especially because of the help and support of Puregold to sari-sari store owners,” ayon pa kay de Castro sa kaniyang talumpati.
Binanggit pa ng Bise Presidente na may 80,000 sari-sari stores sa bansa na nangangahulugan na may isang tindahan na napagbibilhan ng bawat 125 na Pilipino.
Aniya, sa pagtutulungan ng mga mayari ng sari-sari store at Puregold ay hindi lamang napapanatili ang dagdag-kita at trabaho kungdi naipagpapatuloy din ang matagal ng kinikila-la sa mga Pilipino, ang sari-sari store.
Samantala, kinilala rin ng panauhing tagapagsalita na si Dr. Cecilio Pedro, CEO at Chairman ng Lamoiyan Corporation, ang “Tindahan ni Aling Puring” program ng Puregold na malaking tulong sa maliliit na negosyante lalo na sa mga may-ari ng sari-sari store.
- Latest
- Trending