^

Bansa

Joint Cabinet meeting aprub kay GMA

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang panukalang pagsamahin sa isang pulong ang kasalukuyang miyembro ng kanyang Gabinete at Cabinet members ng susunod na administrasyon.

Ayon kay DSWD Sec. Celia Yangco, layunin ng joint meeting na magkaroon ng unity at healing sa pagitan ng outgoing at incoming administration.

Aniya, inaasahan ang transition period sa pagitan ng June 1-20 at sa pagitan nito ay magaganap ang joint Cabinet meeting na pangungunahan naman ni Pangulong Arroyo at incoming President.

Pero sabi ni Yangco, ito ay nakadepende kung pa­payag ang susunod na administrasyon sa joint cabinet meeting.

Wika pa ng DSWD chief, ang magiging senaryo sa joint cabinet meeting ay mag-uulat si Pangulong Arroyo sa mga naging accomplishment ng kanyang administrasyon at tatanggapin naman ng susunod na administrasyon ang report nito.

Ideya umano ni Pangulong Arroyo ang joint Cabinet meeting upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CELIA YANGCO

GABINETE

IDEYA

INAPRUBAHAN

PANGULONG ARROYO

PERO

WIKA

YANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with