Init kumalma sa low pressure
MANILA, Philippines - Nagpakalma ng panahon ang isang low-pressure area (LPA) sa hilagang kanluran ng northern Luzon kayat lumamig ang panahon dahil sa pag-uulan na epekto nito laluna sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ni Rommel Yutuc, PAGASA weather forecaster na ang naturang LPA na namataan sa may 450 kilometro ng hilagang kanluran ng Basco, Batanes ay hindi kinakikitaan ng senyales na ito ay magiging isang ganap na bagyo.
Bunsod ng naganap na makulimlim na panahon na may kasamang pag-ulan, bumaba ang temperatura sa 34 degrees celsius sa Metro Manila at 36 degrees sa Tuguegarao City.
Maulan din sa Mindanao dahil naman sa ulan na dala ng isang Intertropical Convergence Zone na namataan doon.
- Latest
- Trending