Araw ng Independence Day hindi ililipat ni Noynoy
MANILA, Philippines - Sa gitna nang nalalapit na pagdiriwang ng Indepence Day na inilipat ng Malacanang sa Hunyo 14, sinigurado ni incoming president Noynoy Aquino na hindi mangyayari sa ilalim ng kaniyang administrasyon ang ginagawang paglilipat sa ibang araw ng mga makasaysaysang okasyon katulad ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Aquino, may mga holidays na hindi dapat inililipat ang pagdiriwang sa ibang araw dahil nawawala ang kahalagahan nito.
Kabilang umano sa importanteng okasyon na hindi dapat binabago ang araw ay ang Independence Day na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12.
Sa halip na gunitain sa Hunyo 12 ang pagdiriwang ng Independence Day sa susunod na buwan ito ay inilipat ni Pangulong Gloria Arrroyo sa Hunyo 14 kung saan magkakaroon pa ng magarbong parada ng mga floats.
Sinabi ni Aquino na nababawasan ang dignidad ng okasyon kapag inililipat sa ibang araw ang holiday.
Tiniyak ni Aquino na kapag nasa Malacañang na siya ay hindi mangyayari ang ganitong paglilipat ng paggunita sa araw ng Independence Day at iba pang mahahalagang okasyon na dapat ipagdiwang ng bansa.
- Latest
- Trending