MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni LTO chief Alberto Suansing ang Stradcom Corporation na huwag nang tatanggap ng mga emission test centers para magpa-direct connect sa kanila bago magparehistro ng sasakyan.
Sinabi ni Suansing, ginawa nya ang direktibang ito habang sinisiyasat ng kanyang opisina ang isyu sa emission test center na direct connect sa Stadcom ang mga PETC’s na hindi nakapasok sa system ng PETC-IT providers dahil sa kanilang non-appearance operation sa emission testing.
Siniguro ng LTO chief na kapag napatunayan ang reklamo laban sa Stradcom sa direct connect ay ipapasara niya ito.
Nagreklamo ang Coalition for Clean Air Advocates na si Jojo Buerano laban sa mga emission test centers dahil sa pagkunsinti sa non-appearance na pawang direct connect sa Stradcom.
Nangako din si Suansing na aalamin niya kung totoong may dual IT ang mga emission centers o sila ay naka-direct connect sa Stradcom at IT providers nito.