MANILA, Philippines - Pinuri ng Motion Pictures Association (MPA) ang pagsasabatas ni Pangulong Gloria Arroyo ng Anti-Camcording Act of 2009 kung saan ay mapaparusahan ang mga kumokopya ng pelikula sa mga sinehan gamit ang camera recorder.
Sinabi ni Mike Ellis, pangulo at managing director ng Asia Pacific ng MPA, nagpapasalamat sila kay Pangulong Arroyo sa paglagda sa nasabing batas kamakailan kung saan ay ginawang krimen ang camcording ay magmumulta ng P50,000 hanggang P750,000 bukod sa kulong na 6 na buwan hanggang 6 na taon.
“We congratulate the Philippine government in this milestone victory in the country’s fight against movie piracy and its renewed commitment to join its Asian counterparts in protecting content and tackling copyright theft by going after the source with a strong anti-cam cording law,” wika pa ni Ellis. Pinuri din ng National Cinema Association of the Philippines ang pagsasabatas nito. Ang nilagdaang batas ay akda nina Rep. Irwin Tieng, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Mar Roxas.
Inaasahan naman na malaking tulong ang Anti-Camcording Law para mapalakas ng Optical Media Board (OMB) ang paglaban sa film piracy.