^

Bansa

Anti-Camcording Law, pinuri ng MPA

-

MANILA, Philippines - Pinuri ng Motion Pictures Association (MPA) ang pagsasabatas ni Pangulong Gloria Arroyo ng Anti-Camcording Act of 2009 kung saan ay ma­papa­rusahan ang mga ku­mokopya ng pelikula sa mga sinehan gamit ang camera recorder.

Sinabi ni Mike Ellis, pa­ngulo at managing director ng Asia Pacific ng MPA, nag­pa­pasalamat sila kay Pangu­long Arroyo sa pag­lag­da sa na­sabing batas kamakailan kung saan ay ginawang kri­men ang cam­cording ay mag­mumulta ng P50,000 hang­gang P750,­000 bukod sa kulong na 6 na buwan hanggang 6 na taon.

“We congratulate the Philippine government in this milestone victory in the country’s fight against movie piracy and its renewed commitment to join its Asian counterparts in protecting content and tackling copyright theft by going after the source with a strong anti-cam cording law,” wika pa ni Ellis. Pinuri din ng National Cinema Association of the Philippines ang pagsasa­batas nito. Ang nilagdaang ba­tas ay akda nina Rep. Ir­win Tieng, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Mar Roxas.

Inaasahan naman na ma­laking tulong ang Anti-Camcording Law para ma­palakas ng Optical Media Board (OMB) ang pagla­ban sa film piracy.

ALAN PETER CAYETANO

ANTI-CAMCORDING ACT

ANTI-CAMCORDING LAW

ASIA PACIFIC

MAR ROXAS

MIKE ELLIS

MOTION PICTURES ASSOCIATION

NATIONAL CINEMA ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

OPTICAL MEDIA BOARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with