^

Bansa

Proklamasyon ng 10 partylist ipinagpaliban uli sa Lunes

-

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang proklamasyon sa sampung nangungunang party-list groups sa katatapos na May 10 automated elections.

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, sa halip na ngayong araw (Biyernes) ay sa Lunes na lamang nila isasagawa ang proklamasyon.

Sinabi ni Melo na nagpasya silang ipagpaliban ang proklamasyon dahil hanggang sa ngayon ay may mga komputasyon pa ring hindi natatapos ang Comelec en banc.

Unang itinakda ng poll body ang proklamasyon noong nakaraang linggo, ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagkaantala ng canvassing. Kinakailangan kasi ng mga Comelec officials na dumalo sa isinasagawang pagdinig ng Kongreso hinggil sa umano’y mga iregularidad na naganap sa halalan.

Kabilang sa 10 party-list groups na nangu­nguna sa eleksiyon at posibleng maiproklama na ng Comelec ay ang Ako Bicol, Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines, Buhay Hayaan Yumabong Party-list, Akbayan Citizen’s Action Party, Gabriela Women’s Party, Cooperative Natcco Network Party, 1st Consumers Alliance for Rural Energy (1-CARE), ABONO, Bayan Muna, at An Waray. (Gemma Garcia/Mer Layson)

ACTION PARTY

AKBAYAN CITIZEN

AKO BICOL

AN WARAY

BAYAN MUNA

BUHAY HAYAAN YUMABONG PARTY

COALITION OF ASSOCIATIONS OF SENIOR CITIZENS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

CONSUMERS ALLIANCE

COOPERATIVE NATCCO NETWORK PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with