^

Bansa

Mga nagawa ni GMA ipinagmalaki

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Ma­lacañang na taas-noo nilang isasalin ang blue print ng mga nagawa ng Arroyo administration sa susunod na administrasyon.

Sinabi ni Presidential Management Staff chief Elena Bautista sa media briefing, handa na ang blue print ng mga nagawa ng Arroyo government upang ibigay nila sa susunod na administrasyon.

Wika ni Sec. Bautista, nakangiting iiwan ni Pangulong Arroyo ang gobyernong kanyang pinamunuan sa loob ng 9 na taon at isalin ito sa susunod na administrasyon.

Hindi man anya na­ging perpekto ang Arroyo government ay maraming maiiwang legacy ito sa susunod na administrasyon gayundin ang mga programa at proyekto na puwedeng ituloy.

Mahigit isang libong vacant positions sa gobyerno ang puwedeng punuan ng susunod na administrasyon kabilang ang 67 co-terminus na posisyon ng secretary, undersecretary at assistant secretary.

Siniguro din ni Bautista na handang makipagtulungan ang transition team ni Pangulong Arroyo sa pamumuno ni Executive Sec. Leandro Mendoza sa susunod na administrasyon.

Inaasahan ng PMS chief na itutuloy ng next administration ang naiwang mga proyekto ni Mrs. Arroyo tulad ng MRT 7, LRT line 1 extension gayundin ang SLEX-NLEX inter-connection at mga programa na nakatulong sa mga magsasaka at pangkaraniwang mamamayan.

ADMINISTRASYON

ARROYO

BAUTISTA

ELENA BAUTISTA

EXECUTIVE SEC

IGINIIT

LEANDRO MENDOZA

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with