^

Bansa

VP Noli panauhin sa ika-5 kumbensyon ng "Tindahan ni Aling Puring"

-

MANILA, Philippines - Panauhin ngayong umaga si Vice Pres. Noli “ Kabayan”  de Castro sa pagbubukas ng ika-limang taong kumbensyon ng “Ang Tindahan ni Aling Puring” sa World Trade Center, Pasay City mula Mayo 26-29.

Si VP de Castro ay ipakikilala ni Leonardo Dayao, ang Presidente ng Puregold. Kabilang din sa magiging panauhin sa pagbubukas ng kumbensyon si Cecilio Pedro, presidente ng Lamoiyan Corporation na siya ring pangunahing tagapagsalita, samantalang si Susan Co, vice chairman ng Puregold naman ang siyang magbibigay ng pambungad na pananalita.

Ang tema sa apat na araw na kumbensyon ay “Puregold Sari-Sari Republic, Isang Bayan para sa Asensong Kabuhayan”  bilang pagpapahalaga sa patuloy na pagtatagumpay ng Puregold at ng Tindahan ni Aling Puring na nagpapakita sa ugaling kinagisnan ng mga Pilipino bilang masisipag, matitiyaga, maga­galing at matatalino.

Ang mga sikat na Puregold celebrity endorsers na sina Boy Abunda, Ai-Ai delas Alas ang siyang magsisilbing hosts sa pambungad na programa samantalang ang TV hosts na sina Ruby Rodriguez, Vic Sotto at Joey de Leon sa ikalawang araw. Magbibigay naman ng opening remarks sa ikalawang araw ng kumbensyon ang Corporate Vice President ng Puregold na si Aida de Guzman.

Sa mga nagdaang kumbensyon ay idinaraos ito ng tatlong araw lamang ngunit sa taong ito ay gagawing apat na araw kung saan ang unang dalawang araw ay nakalaan at eksklusibo lamang sa may 150,000 na aktibong miembro ng Puregold Exclusives-Tindahan ni Aling Puring, at ang nalalabing dalawang araw ay bubuksan sa publiko.

ALING PURING

ANG TINDAHAN

ARAW

ASENSONG KABUHAYAN

BOY ABUNDA

CECILIO PEDRO

CORPORATE VICE PRESIDENT

ISANG BAYAN

LAMOIYAN CORPORATION

PUREGOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with