Gun ban palalawigin

MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ng Zenarosa Commission ang lumalakas na panawagan na palawigin pa ang Comelec gun ban sa buong bansa matapos na mabawasan ang karahasang dulot ng paggamit ng armas nitong nakalipas na halalan.

Ang Zenarosa Commission, ay ang anti-private armies na binuo ni Pangulong Gloria Arroyo sa ilalim ng Executive Order (EO) 275 na ipinangalan sa Chairman nito na si dating Court of Appeals Justice Monina Zenarosa matapos ang malagim na massacre sa 57 katao, 32 rito ay mediamen noong Nob. 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay ret. Lt. Gen. Edilberto Adan, miyembro ng 7-man Zenarosa Commission, malaki ang ibinaba ng Election Related Violent Incidents (ERVIs) na naitala ng Philippine National Police sa katatapos na eleksyon ngayong taon.

Nilinaw naman ng opis­yal na dapat konsultahin rin ang mga stakeholders sa pagpapalawig ng gun ban sa buong kapuluan dahilan napipinto na itong magtapos sa darating na Hunyo 9.

Show comments