^

Bansa

Boto para sa President at VP bibilangin na ng Kongreso

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inaasahang aarangkada na ang opisyal na canvassing ng boto para sa presidente at bise presi­dente matapos i-convene kahapon ang Kongreso bilang National Board of Canvassers.

Dakong alas-2:53 ng hapon binuksan nina Senate President Juan Ponce Enrile Jr. at House Speaker Prospero Nograles ang joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso kung saan pag-uusapan ang rules na gagamitin sa pagbibilang kung electronic ba o manual, at ang pormal na paghahalal ng mga mi­yembro na uupo sa NBOC.

Sinigurado ni Enrile na matatapos nila ang pagbibilang ng boto bago mag-Hunyo 15.

Nasa 54 certificates of canvass na lamang ang hinihintay ng Senado na mai-deliver sa Senate building samantalang nauna nang nailipat sa House of Representatives ang nasa 217 na COCs.  

Bukod kay Enrile, kabilang sa mga senador na magbibilang ng boto sina Senators Juan Miguel Zubiri, Rodolfo Biazon, Alan Peter Cayetano, Aquilino Pi­mentel Jr., Gregorio Honasan, Edgardo Angara, Bong Revilla, at Joker Arroyo.

Magiging alternate members naman sina Senators Francis Pangi­linan, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, at Pia Cayetano.

ALAN PETER CAYETANO

AQUILINO PI

BONG REVILLA

EDGARDO ANGARA

ENRILE

GREGORIO HONASAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

JINGGOY ESTRADA

JOKER ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with