MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon ng kasong libelo ni Atty. Frank Chavez sa Department of Justice (DOJ) ang limang abogadong miyembro ng kontrobersyal na law group na tinawag na The Firm.
Batay sa 24 pahinang complaint affidavit ni Chavez, sinabi nito na walang karapatan ang The Firm para yurakan at sirain ang kanyang reputasyon.
Ito’y matapos na ipahiwatig ng The Firm na walang naipanalong kaso si Chavez noong ito ay nanunungkulan pa bilang Solicitor General.
Kabilang naman sa mga kinasuhan ni Chavez ay sina Atty Simeon Marcelo, Avelino Cruz, Raul Angcangco, Alejandro Alfonso Navarro at Arthur Villaraza.
Maliban dito ay sinampahan din ng kasong libelo ni Chavez ang dalawang Reporter ng Philippine Daily Inquirer.
Iginiit ni Chavez na 90 percent ang naipanalo niyang kaso noong siya pa ang Solicitor General, na taliwas umano sa pagsasalarawan sa kanya ng The Firm at ng nasabing pahayagan.