^

Bansa

'The Firm' kinasuhan ng libel ni Chavez

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon ng kasong libelo ni Atty. Frank Chavez sa Department of Justice (DOJ) ang limang abogadong miyembro ng kontrobersyal na law group na tinawag na The Firm.

Batay sa 24 pahinang complaint affidavit ni Chavez, sinabi nito na walang karapatan ang The Firm para yurakan at sirain ang kanyang reputasyon.

Ito’y matapos na ipahiwatig ng The Firm na walang naipanalong kaso si Chavez noong ito ay nanunungkulan pa bilang Solicitor General.

Kabilang naman sa mga kinasuhan ni Chavez ay sina Atty Simeon Marcelo, Avelino Cruz, Raul Angcangco, Alejandro Alfonso Navarro at Arthur Villaraza.

Maliban dito ay si­nampahan din ng kasong libelo ni Chavez ang dalawang Reporter ng Philippine Daily Inquirer.

Iginiit ni Chavez na 90 percent ang naipanalo niyang kaso noong siya pa ang Solicitor General, na  taliwas umano sa pagsasala­rawan sa kanya ng The Firm at ng nasabing pahayagan.  

ALEJANDRO ALFONSO NAVARRO

ARTHUR VILLARAZA

ATTY SIMEON MARCELO

AVELINO CRUZ

CHAVEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANK CHAVEZ

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

RAUL ANGCANGCO

SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with